PROJECT TABANG

Photo Courtesy: Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan
Nagsagawa ng post-activity monitoring sa mga agricultural inputs and equipment ng mga kooperatiba ang Project Tabang sa ilalim ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance
Nagsagawa ng post-activity monitoring sa mga agricultural inputs and equipment ng mga kooperatiba ang Project Tabang sa ilalim ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance, a dos ng Mayo.
Isinagawa ito sa mga bayan ng Barira at Buldon, Maguindanao Del Norte kung saan nakabase ang mga kooperatiba na kinabibilangan ng Iranun High Valued Cooperative, Growert and Livestock Producing Cooperative; Liong Kalilintad Agriculture Cooperative; Marang Trustworthy; at 3rd National Mobile Producer Cooperative.
Ang OBRA ay isang sub-program ng Office of the Chief Minister sa pamamagitan ng livelihood services ng Project TABANG.
Layon nito na magtatag ng long-term program para sa mga farmers at fisherfolks, at quick response livelihood intervention para tugunan ang kakulangan sa pagkakaroon ng agricultural productions sa Bangsamoro region.