PROJECT TABANG AT PNP BARMM MEDICAL MISSION

MAHIGIT 500 RESIDENTE NG TALITAY, MAGUINDANAO DEL SUR, HINANDUGAN NG MEDICAL SERVICES NG PROJECT TABANG AT PNP BARMM
Bangsamoro Autonomus Region - Mahigit limang daang residente ng Talitay, Maguindanao del Sur ang sumailalim sa libreng medical consultation, check-up at iba pang health service sa inilunsad na medical mission ng Project TABANG at ng PNP BARMM Health Units.
Limang daan at labing dalawang residente ng Talitay, Maguindanao ang benepisyaryo ng Medical Mission na isinagawa ng Project TABANG at ng medical at dental units ng PNP BARMM.
332 adults at 126 na mga bata mula sa siyam na barangay sa bayan ang sumailalim sa libreng medical consultation at check-up, nabigyan ng libreng gamot at iba ang health services.
Suportado naman ni Talitay Mayor Sidik Ameril at mga opisyal ng bayan ang nasabing aktibidad.