Kael Palapar

(Photo courtesy: Bangsamoro Information Office)
MAGUINDANAO — Upang mabigyan ng kapital sa alternatibong income bukod sa pagsasaka, nagbigay ng one-time financial assistance ang Tulong Alay sa Bangasamorong Nangaingailangan o Project Tabang sa ilalim ng Office of the Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Mahigit tatlong daang residente sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao ang nabigyan ng PHP 15,000 bawat isa.
"One time financial assistance ito sa mga kapwa natin bangsamoro, magagamit nila as alternative income dahil sa bagong set up natin due to pandemic." ani Asnur Pendatun, ang livelihood head ng Project Tabang.
"Kami na po ang pumasok para kami na tutulong." dagdag nito
Aabot naman sa mahigit limang libong indibidwal sa buong rehiyon ang nakatakdang bigyan ng financial assistance sa ilalim ng project tabang.