PROJECT TABANG SA SGA AT DAS

Photo Courtesy: Bangsamoro Government
Mahigit anim na raang Internally Displaced Persons ang napagkalooban ng tulong medical sa SGA at Datu Saudi Ampatuan sa ilalim ng Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o Project TABANG.
Tatlong daang Internally Displaced Persons mula sa Barangay Simsiman, Pigcawayan Cluster, BARMM Special Geographic Area ang pinagkalooban ng medical services ng Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o Project TABANG.
Tatlong daan at limapu’t pitong IDPs rin ng Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan ang pinagkalooban ng serbisyong pangkalusugan ng Project TABANG.
Nagsagawa ng operation tuli, namigay ng gamot at vitamins.
Ang Project TABANG ang isa sa mga flagship programs ni BARMM Chier Minister Ahod Balawag Erahim.
Layon nito na mabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan ang mga Bangsamoro.