PROV'L GOV'T NG MAGUINDANAO, TINUGUNAN ANG PROBLEMA SA PAG-APAW NG TUBIG SA BAYAN NG DATU SALIBO.

Amor Sending | iNEWS | December 3, 2021

Photo courtesy : Motorpool Division - Maguindanao


Cotabato City, Philippines - Baha at umaapaw na tubig sa kalsada ang iniinda ng mga residente mula sa Brgy. Sambulawan sa bayan ng Datu Salibo Maguindanao, dulot ng maliit na daluyan ng tubig sa naturang barangay.


Upang tugunan ang suliranin na ito at maagapan ang pag-apaw ng tubig, isang malaking culvert ang inilagay ng Provincial Engineering Department ng Makabagong Maguindanao sa nasabing lugar.


Ito ay alinsunod sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, upang makamit ang maunlad, mapayapa at maliwanag na Makabagong Maguindanao.

12 views