top of page

PROVINCIAL GOV'T NG MAGUINDANAO, PATULOY SA PAGHAHATID NG SERBISYONG MEDIKAL SA MGA NASASAKUPAN NITO

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 25, 2022

Photo courtesy : Babai A. Kasaligan


Cotabato City, Philippines - Daan-daang residente sa bayan ng Buldon, Maguindanao ang nakabenepisyo sa inihandog sa Medical Mission at Outreach Program ng Provincial Government sa direktiba ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.


Kaagapay ang Maguindanao Medical Team sa pagbibigay ng serbisyong medikal ang DLS Medical Team at Tiyakap Foundation ni Vice Governor Datu Lester Sinsuat at Vice Gubernatorial Bai Ainee Sinsuat.


Sa nasabing bayan, 890 na mga indibidwal ang libreng nakapagpakonsulta, 100 ang nabigyan ng libreng reading eyeglasses, 30 ang nakapagpa-dental checkup, 50 ang natuli, 500 ang nakabenepisyo sa feeding program habang lima ang nabigyan ng wheel chair.


Bukod dito ay mayroon ding inilunsad na libreng gupit.


Samantala,

Photo courtesy : Babai A. Kasaligan


Hindi lamang sa kalusugan ng mamamayan ng Maguindanao nagtatapos ang pagbibigay serbisyo ng Provincial Government sa pamumuno ni Bai Mariam Sangki Mangudadatu.


Kahapon, sa ika-sampung araw ng paglulunsad ng Agila Convergence Community Program, 3,280 na mga alagang hayop naserbisyuhan sa Barangay Kigan, Pilar at Itaw sa bayan ng South Upi.


Kabilang sa mga nasabing alagang hayop ay ang 315 na mga baka, 196 na kalabaw, 88 kabayo, 239 na kambing, 2,230 na mga manok, 201 na baboy, at labing isa na iba pa.


Ang mga ito nabigyan ng Office of the Provincial Veterinarian ng mga bitamina, deworming at gamot.


Sinisiguro ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao na sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, walang mamamayan sa lalawigan ang maiiwanan.


End.


2 views
bottom of page