top of page

Granular lockdown, ipinatutupad sa Lanao Del Sur

Updated: Sep 8, 2021

Kate Dayawan | iNews | September 6, 2021


Cotabato city, Philippines - Araw ng Sabado, September 4, nang sinimulan nang ipatupad sa probinsya ng Lanao del Sur kabilang na sa bayan ng Wao at Marawi City ang granular lockdown bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.


Ito ay ayon sa Resolution No. 09, series of 2021 ng Provincial Government ng South Cotabato.


Dito nakasaad na as of September 2, 2021, nakapagtala ng 298 na kaso ng COVID-19 ang Intergrated Provincial Health Office at Provincial Inter-Agency Task Forcefor the Management of Emerging Infectious Diseases.


Sinabi rin dito na sa idinagdag na isang daan at limampung COVID-19 bed capacity sa Amai Pakpak Medical Center, umabot sa one hunder sixty-six ang naka-admit dito na mga pasyente ng COVID-19.


Kung kaya’t napagdesisyunan ng PIATF na ipagbawal muna ang mga pagtitipon sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.


Ipinagbabawal na rin ang pag dine-in sa mga kainan sa lugar.


Tanging pinapayagan lamang ay ang mga pagtitipon kung ito ay may kinalaman sa pagtugon sa COVID-19 ngunit kinakailangan na nasa 30% lamang ang venue capacity.


Pansamantala rin ipinagbawal ang non-essential movement tuwing Linggo sa probinsya maliban na lamang kung ito ay emergency at isang Authorized Persons Outside Residence o APOR.


Sarado rin dapat ang mga lahat ng mga establishimento sa lugar maliban na lamang sa mga ospital at pharmacy.


Pinapayagan naman ang pagkakaroon ng congregational prayers basta’t nakasunod lamang ito sa minimum health protocols katulad ng 50% capacity, maintenance of logbook, pag obserba ng physical distancing, pagsusuot ng facemasks at mandatory temperature check bago pumasok sa pasilidad.


Ang sino mang mahuhuli na lumalabag sa mga naturang panuntuan ay maaaring makasuhan sa ilalim ng Section 9 par. (d) or (e) ng RA no. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.



0 views
bottom of page