top of page

Provincial Government ng Maguindanao, 152 rescue vehicles na ang naipamahagi

Joy Fernandez | iNEWS | October 27, 2021


Cotabato City, Philippines - Ang ang mga bayan ng General Salipada K. Pendatun, Datu Paglat at Mamasapano ang pinakahuling nahandugan ng rescue vehicles mula sa provincial government ng Maguindanao.


Araw ng Martes, abente-sais ng oktubre nang isagawa ang turn-over ceremony sa kapitolyo ng probinsya.


Ito na ang ika-siyam na batch ng mga Rescue Vehicles na ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan.


Sa kabuuan ay umaabot na sa isang daan at limamput dalawang rescue vehicles ang naipamahagi na sa iba’t ibang barangay sa buong lalawigan.




0 views
bottom of page