top of page

PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, MAGHAHANDOG NG LIBRENG REVIEW SA MGA NAGNANAIS KUMUHA NG LET

Kate Dayawan

MAGUINDANAO — Malugod na inanunsyo ng Provincial Government ng Maguindanao sa pamamagitan ng Facebook page nito ang ihahandog na libreng review para sa mga guro na nagnanais na kumuha ng Licensure Examination o LET sa pamamagitan ng Carl Balita Review Center o CBRC.


Ito ang paraan ng Maguindanao Government sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu upang masiguro ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon sa lalawigan at bilang suporta na rin sa kagitingan ng mga guro.


Tanging kinakailangan lamang ng mga guro upang maka-avail ng libreng LET review ay ang original copy ng Barangay Clearance, photocopy ng Transcript of Records, Birth Certificate, isang valid ID, photocopy ng Notice of Admission, GMSM Free LET Revier Form, dalawang 2x2 picture at isang kulay pulang expanded envelope.


Ang CBRC ay isang ISO-certified na kompanya, mayroon na rin itong national dominance at international reach dahil sa 125 local at international branches nito at isang proud partner ng British Council Philippines.


Ang nasabing review center ay pagmamay-ari ni 2022 NLE senatorial candidate Carl Balita.

41 views
bottom of page