top of page

Provincial Government ng Maguindanao, nagsagawa ng medical mission sa bayan ng Parang.

Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 16, 2022

Photo courtesy : Babai A Kasaligan


Cotabato City, Philippines - Daan-daang mga residente sa Barangay Poblacion sa bayan ng Parang ang nakabenepisyo sa inihandog na medical mission ng Maguindanao Government sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.


Nasa 890 na mga pasyente ang libreng nakapagpakonsulta, 140 ang nabigyan ng libreng reading eyeglasses, tatlumpo ang nakapagpabunot ng ipin, 60 bata ang natuli at lima ang nabigyan ng wheelchair.


Namahagi rin ng libreng tsinelas at libreng gupit ang TIYAKAP DLS nina Bai Ainee Sinsuat at Vice Governor Datu Lester Sinsuat sa mga residente sa lugar.


Kasabay nito ay tumungo rin ang medical team sa Parang District Jail kung saan 44 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nakabenepisyo ng libreng check-up, libreng gamot, libreng dental check-up at libreng salamin.


Patunay lamang na sa kabila ng pagsubok sa buhay ng mga ito ay hindi sila kinakalimutan at naniniwala ang Gobyernong may Malasakit Sa Maguindanao na ang lahat ay may karapatang magbago.


End.

0 views
bottom of page