PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, NAGSAGAWA NG PAGLILINIS NG IRRIGATION CANAL SA SHARIFF AGUAK

Kate Dayawan

MAGUINDANAO — Agad na inaksyunan ng Provincial Government ng Maguindanao ang Irrigation Canal na siyang nagdudulot ng pagbaha sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak tuwing malakas ang buhos ng ulan.


Nagsagawa ng desilting at nilinis ng mga kawani ng Provincial Engineering Office ang nasabing kanal na bumara na dahil sa putik at mga basura.


Samantala, nagpapatuloy naman ang road rehabilitation at pagsasaayos ng farm to market road ng Provincial Government ng Maguindanao sa Barangay Tomicor sa bayan ng Ampatuan.


Ito ay alinsunod sa direktiba ni Provincial Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.


Nais ng gubernadora na sama-sama ang buong bayan sa lalawigan tungo sa tunay na pagbabago at pag-unlad kasabay ng Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao.

9 views