PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, PATULOY SA PAGHAHATID NG SERBISYO SA MGA MAMAMAYAN

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : Babai A Kasaligan


Cotabato City, Philippines - Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang road rehabilitation, gravelling at improvement ng Provincial Government ng Maguindanao sa farm to market road mula Sitio Gubat hanggang Baranggay Dados, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Ito ay sa ilalim ng direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.


Samantala, agad namang tumugon sa kahilingan ng mga magsasaka sa Sitio Sabaduan, Kauran, Ampatuan ang Agila ng Maguindanao.


Ito ay ang pagpapalinis ng mga magsasaka ng Bag-ung Paglaum Farmers Irrigators Association na palinisan ang irrigation canal sa lugar.


Pangako ng gubernadora na sama-sama ang lahat ng mamamayan sa Tunay na Pagbabago, pag-unlad at liwanag kasabay ng Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao.


End.




3 views