top of page

PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, PATULOY SA PAGLULUNSAD NG MEDICAL OUTREACH PROGRAM

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 30, 2022

Photo courtesy : Babai A. Kasaligan


Cotabato City, Philippines - Patuloy pa rin sa pagkakawang gawa ang Provincial Government ng Maguindanao upang masiguro ang kalusugan ng mga mamamayan nito.


Kahapon, March 29, daan-daan residente sa Barangay Mao, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao ang nakabenepisyo sa Medical Mission at Outreach Program na inilunsad sa pamamagitan ng Maguindanao Medical Team.


Kabilang sa mga inihandog na tulong ay ang libreng konsultasyon, dental check-up, libreng eyeglasses, tuli, gamot at wheelchair.


Ang paghahandog ng nasabing programa ay alinsunod sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.


End.





1 view
bottom of page