top of page

PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, PATULOY SA PAGMONITOR NG BIRD FLU SA LALAWIGAN

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 24, 2022

Photo courtesy : Makabagong "OPVet" Maguindanao


Cotabato City, Philippines - Abala ngayon ang Office of the Provincial Veterinarian ng Maguindanao sa pagsasagawa ng blood collection at throat swabbing sa mga alagang, manok, bibe o pato sa lalawigan bilang hakbang ng kanilang pagmonitor laban sa Avian Influenza o kilala rin bilang Bird Flu.


Kahapon, March 23, sa Barangay Bunawan, Datu Paglas nagsagawa ang blood collection at throat swabbing ang OPVet sa mga Mallard Ducks sa lugar.


Mayroon nang 120 blood samples ang nakolekta at isinumite sa RADDL- XII sa General Santos City para sa testing and confirmation.


Ito’y matapos makatanggap ng report ang pamunuan ng OPVet patungkol sa mga naapektuhang poultry sa mga kalapit- probinsya dahil sa Avian Influenza.


Sinisiguro naman ng Provincial Local Government Unit ng Maguindanao sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na gagawin nito ang lahat ng kanilang makakaya upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito sa pamamagitan ng early detection at patuloy na pagmonitor dito.


Nananawagan naman ang OPVet sa aktibong partisipasyon ng mga commercial at backyard poultry raisers na pahintulutang i-test ang kanilang mga alaga.


End.

4 views0 comments

Recent Posts

See All