top of page

PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, PATULOY SA PAGTUTOK SA KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN NG LALAWIGAN

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 9, 2022

Photo courtesy : Babai A Kasaligan


Cotabato City, Phils - Daan-daang mga residente mula sa bayan ng Buluan ang nakabenepisyo sa inilunsad na Medical Mission at Outreach program ng Provincial Government ng Maguindanao.


Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.


Pinangunahan ni Buluan Mayoralty Candidate Hon. Jessieden Ali Martinez ang Medical Mission ng Makabagong Maguindanao medical team na ginanap sa Agila Headquarters sa bayan ng Buluan, Maguindanao.


Samantala, kasama naman ang programang Tiyakap ni Vice Governor Datu Lester Sinsuat at Vice Gubernatorial Candidate Bai Ainee Sinsuat, daan-daang residente rin mula sa Barangay Dalican ng Datu Odin Sinsuat ang nakabenepisyo sa serbisyong medikal na kanilang inihandog.


Kabilang sa mga serbisyong ito ay ang libreng konsultasyon, libreng reading eyeglasses, tuli, libreng tsinelas, wheelchair, gamot at feeding program.


Sinisiguro ng Provincial Government ng Maguindanao na walang mapag-iiwan, sama-samang aangat tungo sa Makabagong Maguindanao sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.


End.

3 views
bottom of page