top of page

PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, PINARANGALAN ng OUTSTANDING STEWARD OF THE ENVIRONMENT 2021

Kate Dayawan

(Photo courtesy: Agila ng Maguindanao) MAGUINDANAO — Malugod na tinanggap ng Provincial Government ng Maguindanao sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang komendasyon ng Ministry of Environment, Natural Resources and Energy – BARMM sa pamamagitan ng Environment Management Services bilang isa sa 2021 Ten Outstanding Stewards of Environment (TOSE).


Ito ay dahil sa naging kontribusyon sa kalikasan ng lalawigan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Republic Act 9003 or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000.


Bukod sa Provincial Government ng Maguindanao, kabilang rin sa mga pinarangalan ay ang pitong bayan nito na kinabibilangan ng bayan ng Barira, Datu Abdullah Sangki, Datu Paglas, Parang, South Upi, Sultan Kudarat at Upi.


Nakatanggap rin ng kahalintulad na parangal ang local government ng Wao sa Lanao del Sur at ang bayan ng Bongao sa lalawigan ng Tawi-Tawi.


Ang mga ito ay tumanggap ng Plaque of Appreciation at monetary reward na nagkakahalaga ng P100,000.


Umaasa naman ang pamunuan ng MENRE na sa pamamagitan ng aktibidad na ito, patuloy na magiging steward ang mga pinarangalan ng TOSE sa pangangalaga ng kalikasan upang pamarisan ang mga ito ng iba pang local government unit para sa kasalukuyang henerasyon at sa mga susunod pa.

9 views
bottom of page