Amor Sending | iNEWS | November 30, 2021

Photo courtesy : Agila ng Maguindanao
Cotabato City, Philippines - Dahil sa hangarin ng Agila ng Maguindanao na mabigyan ng liwanag ang bawat sulok ng probinsya, Tinungo ng Team Kapwa Solar Street Power, ang dalawang barangay sa bayan ng Matanog ang nalagyan at napatayuan ng Solar Street Lights.
Ang dalawang barangay na ito ay kinabibilangan ng Brgy Sapad at Brgy Kidama-
Layunin ng paglalagay ng mga Solar Street Lights na makaiwas sa disgrasya at mapalayo ang bawat mamamayan sa anumang aksidente na maaring maidulot ng madilim na kalsada.
Ito ay isa lamang sa pangako at pangarap ng Agila ng Maguindanao na magkaroon ng mapayapa, maunlad at maliwanag na probinsiya, na ngayon ay unti-unti nang nabibigyan ng katuparan.