Kate Dayawan | iNEWS | September 7, 2021
Cotabato city, Philippines - Patuloy lamang sa paghahatid ng serbisyo sa publiko ang Provincial Government ng South Cotabato sa pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.
Sa kabila ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19, binibigyan pa rin ng pansin ng kasalukuyang administrasyon ang mga pangangailangan ng mga nasasakupan nito.
Upang mayroong mapagkukunan ng malinis na tubig na magagamit sa pang-araw-araw na gawain, nagpatayo ng isang solar pump ang Provincial Government ng South Cotabato sa Sitio Tinugas, Barangay Ned, Lake Sebu.
Pinondohan ito ng abot sa P1,629,762.32.
Sa kasalukuyan ay maayos nang nagagamit at nalagkukunan ng malinis na tubig ng mga residente sa lugar ang nasabing proyekto.
