Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 18, 2022

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Ang Virtual Learning ang isa sa mga hakbang na ipinatupad ng Department of Education upang hindi matigil ang edukasyon sa bansa sa kabila ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.
Ngunit hindi lahat ng mga mag-aaral ay may sariling gadget upang maka-access ng kanilang online education.
Dahil dito, sa pakikipagtulungan ng DepEd, namahagi ang Provincial Government ng South Cotabato ng 2,068 na tablet sa mahigit dalawang libong mag-aaral sa lalawigan.
Ang mga nasabing tablet ay personal na itinurn-over ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa DepEd.
Umabot ng 17 million pesos ang halaga ng mga nabiling gadget.
Nakapaloob na sa mga tablet na ito ang mga instructional material upang mabilis na lamang maka-access ang mga estudyante.
Ayon kay Gov. Tamayo, isa ang edukasyon sa mga pina-prioritize ng lokal na pamahalaan ng South Cotabato.
End.