PROVINCIAL GOVT NG SOUTH COTABATO, NAMAHAGI NG WHEELCHAIR SA MGA SENIOR CITIZEN AT PWD SA POLOMOLOK

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 10, 2022

Photo courtesy: Provincial Govt of South Cotabato


Cotabato City, Philippines - Napaluha ang ilan habang napasigaw naman sa tuwa ang iba, nang matanggap na ang inaasam-asam na wheelchair na handog ng Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Disability Affairs Unit sa mga senior citizen at persons with disability sa bayan ng Polomolok.


Ang pamamahaging ito ay bahagi 200 wheelchairs na ilalaan para sa buong probinsya ng South Cotabato.


Sa kasalukuyan ay nasa 163 wheelchairs na ang naipamahagi sa buong lalawigan.


End.

1 view