Kate Dayawan

SOUTH COTABATO — Maayos nang nagagamit ng mga motorista ang daan ng Concepcion – Tampakan Boundary Provincial Road sa Barangay Concepcion, Koronadal City matapos na ayusin ng Provincial Government ng South Cotabato sa pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo, Jr.
Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng Php14,993,721.58.
Maiiwasan na rin ang pag-apaw ng tubig-baha sa Barangay Lumakil, Polomolok dahil natapos na ang ginagawang Slope Protection ng Provincial Government para sa mga residente ng nasabing lugar.
Ang proyektong ito ay nagkakahalaga naman ng Php2,589,380.10.
Bukod dito ay natapos na rin ang konstruksyon ng Multi-Purpose Drying Pavement o ang Provision of Pre and Post Harvest Facilities (PPHF) of the Province para sa Luhib Association Irrigators Association sa bayan ng Lake Sebu.
Ang proyekto namang ito ng Provincial Government ay nagkakahalaga ng Php846,391.37.
Samantala, maaari na ring magamit ng mga magsasaka sa Barangay Ned sa bayan ng Lake Sebu ang Warehouse at Drier na ipinatayo ng Provincial Government sa Sitio New Tupi ng nasabing lugar.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng Php1,496,001.06.
Sa ilalim ng administrasyon ni Governor Tamayo, nais nito na sabay-sabay na aangat ang aspeto ng development sa “Tama at Maayos na Serbisyo” sa probinsiya ng South Cotabato.