top of page

PROYEKTONG PANG IMPRASTRAKTURA NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO, NAGPAPATULOY

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 18, 2022

Photo courtesy : Babai A Kasaligan


Cotabato City, Philippines - Patuloy na ginagawa ngayon ng Provincial Government ng Maguindanao ang road opening rehabilitation at pagsasaayos ng farm-to-market road sa Purok Silangan, Barangay Bugabungan, North Upi, Maguindanao.


Ito ay sa ilalim ng direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa pamamagitan ng Provincial Engineering Department.


Bukod dito ay patuloy ring ginagawa ang road rehabilitation, gravelling pagsasaayos rin ng farm to market road sa Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat.


Ang mga proyektong ito ay ang pagtupad lamang sa pangako ni Governor Bai Mariam na kung saan ay sama-sama ang lahat tungo sa tunay na pagbabago, pag-unlad at liwanag kasabay ng Gobyernong May Malasakit sa Maguindanao.


End.

7 views
bottom of page