Proyektong pang-imprastraktura, tuloy ang konstruksyon ng Maguindanao Government!

Kate Dayawan | iNEWS | September 24, 2021


Cotabato City, Philippines - Kaliwa’t kanan ang mga proyektong pang-imprastraktura ang ipinapatayo ngayon ng Provincial Government ng Maguindanao sa mga bayan sa lalawigan.


Alinsunod ito sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.


Nagpapatuloy ngayon ang konstruksyon ng isang Mini Gym sa bayan ng Guindulungan, Maguindanao.


Ang pondong ginamit sa proyektong ito ay mula sa 20% Development Fund ng Maguindanao Government.


Isang Multi-Purpose Building naman ang ipinapatayo ng pamahalaang panlalawigan sa Poblacion, Talayan, Maguindanao.


Mula rin sa 20% Development Fund ang ginamit dito.


Ilan lamang ang mga proyektong ito sa Maguindanao na tinupad ng gobernadora.


Nais ng Agila ng Maguindanao na magsama-sama ang lahat tungo sa mapayapa, maunlad at maliwanag na probinsya.






8 views