top of page

PUBLIC CONSULTATION SA MARAWI CITY KAUGNAY SA BINABALANGKAS NA LABOR CODE SA BARMM, MATAGUMPAY.

Joy Fernandez | iNEWS | November 17, 2021

Photo courtesy : MP Romeo Sema


Cotabato City, Philippines - Matagumpay na isinagawa noong araw ng huwebes, a onse sa buwan ng Nobyembre ng Ministry of Labor and Employment ang Provincial Public Consultation-Cluster 1 sa Marawi City at Lanao del Sur kaugnay pa rin sa binabalangkas na Bangsamoro Labor Code.


Ito ay pinangunahan ni MOLE Minister Romeo Sema.


Layunin ng nasabing aktibidad na maipakita ang nilalaman ng nasabing panukala at makakalap rin ng mga suhestiyon hinggil dito.


Inaasahan na sa mga susunod na araw ay magkakaroon din ng public consultations sa iba't iba pang probinsiya sa rehiyon ng Bangsamoro.

3 views
bottom of page