PUBLIC SAFETY PLAN

MILG, UNDP AT IBA PANG STAKEHOLDERS SA BARMM, HINIHIMAY ANG MGA GABAY SA BANGSAMORO REGIONAL PEACE AND ORDER AND PUBLIC SAFETY (RPOPS) PLAN
Bangsamoro Autonomous Region - Hinihimay ng MILG, UNDP at iba ang stakeholders sa rehiyon ang mga gabay sa pagbuo ng Bangsamoro Regional Peace and Order and Public Safety o R-P-O-P-S Plan upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Sumailalim sa dalawang araw na workshop ang Ministry of the Interior and Local Government, bilang head secretariat ng Regional Peace and Order Council, United Nations Development Programme, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang ministeryo at stakeholders sa BARMM.
Hinimay sa workshop ang mga guidelines sa Bangsamoro Regional Peace and Order and Public Safety (RPOPS) Plan.
Hangad nito na magkaroon ng sapat na kakayahan ang BARMM Government sa mga pamamaraan sa pagsiguro ng kapayapaanat kaayusan ng bawat komunidad sa rehiyon.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang elements of peaceful and resilient communities, peace-promoting strategies, processes, scope, at mga aasahan mula dito na magiging kalakip sa RPOPS guideline.
Dumalo sa workshop ang Bangsamoro Planning and Development Authority o BPDA, the Ministry of Public Order and Safety o MPOS, Peace, Security, and Reconciliation Office o PSRO, Consortium of Bangsamoro Civil Society o CBCS, at iba pang ahensiya na kakatawan sa anim na komite ng RPOPS.