Kate Dayawan

(Photo courtesy: PDEA Region 12) NORTH COTABATO — Nasawi sa inilunsad na sa anti-narcotic operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 12, ang isang pugante na isa ring notorious drug personality at isang empleyado nito nang manlaban sa isinagawang operasyon ng otoridad sa Sitio Calumpangan, Barangay Balacayon, Pigcawayan, North Cotabato pasado alas otso ng umaga kahapon, May 18.
Naaresto naman ang dalawa pang kasamahan ng mga ito.
Kinilala ang mga nasawing indbidwal na sina Ebrahim Samama, takas mula sa North Cotabato Distrcit Jail noong January 2017 at may kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patay din ang empleyado nito na si alyas Mamako.
"Sa report mula sa PDEA-12, papalapit na sana sa lugar ang operatiba upang ihain ang Search Warrant ngunit agad itong pinaputukan ng mga nasawing indibidwal. Sinubukan pa umanong tumakas ng mga ito ngunit napatay rin nang magsagawa ng hot pursuit operation." ani Dir. Naravy Duquiatan, Regional Director ng PDEA
Naaresto naman ang dalawang pang kasamahan ng puganteng si Samama na kinilala sa pangalang Guiahed at Ali na nakapiit ngayon sa Pigcawayan Municipal Police Station.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang anim na medium sachet ng shabu na may timbang na 30 grams at may estimated standard drug price na 204,000 pesos.
Bukod dito ay nakuha rin ng otoridad ang iba’t ibang drug paraphernalia, ilang empty transparent plastic sachet, dalawang unit ng M16 rifle, isang M14 rifle, mga magazine, dalawang caliber .45, bandolier, Kevlar Helmet, bullet proof vest at empty shells ng iba’t ibang kalibre ng armas.
Kabilang umano sa illegal drug market ng grupo ang ilang bayan sa North Cotabato, Parang at Sultan Kudarat sa Maguindanao at maging dito sa Cotabato City.
Kasong paglabag sa Section 11 at Section 12 ng RA 9165 ang ipapataw sa dalawang nahuling suspek.