Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 7, 2022

Photo courtesy : Datu Montawal MPS
Cotabato City, Phils - Hindi na nakapalag pa ang puganteng si Aladen Salik nang hulihin ng mga tauhan ng Datu Montawal Municipal Police Station sa pangunguna ni PLt. Nurjhasier Sali sa inilunsad na intel-driven operation noong Biyernes, March 4.
Ang nahuling indibidwal ay residente ng Barangay Dungguan, Datu Montawal, Maguindanao.
Napag-alam sa inbestigasyon na isa umano si Salik sa 158 na mga bilanggo na nakatakas noong January 4, 2017 nang atakihin ng armadong kalalakihan ang NCPJ.
Sa kasalukuyan ay isinasailalim muna ang nasabing pugante sa 21-day quarantine sa Datu Montawal MPS bago iti-turn over sa korte.
End.