top of page

PULA ANG KULAY NA MAGPAPATINGKAD SA COTABATO CITY SA MARCH 25 AYON KAY CITY MAYOR CYNTHIA GUIANI.

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 23, 2022

Photo courtesy: Cynthia Guiani


Cotabato City, Philippines - Ilang tulog na lang at opisyal nang magsisimula ang kampanya para sa lokal na posisyon sa buong bansa. Ngunit kahit ilang araw pa lamang bago ito magsimula ay unti-unti na itong nararamdaman ng mga Cotabateño.


Kahapon, March 22, sa pamamagitan ng Facebook post ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi, sinabi nito na kulay pula ang lalong magpapatingkad sa Cotabato City sa March 25, ang araw ng pagsisimula ng kampanya.


Aniya, ito ang kulay ng mga mamamayan ng Cotabato City, ng mga botante.


Nakasaad pa dito na sinisiguro umano ng alkalde na ang mga magsusuot ng pula ay hindi hahakutin sa ibang probinsya, hindi pinuwersa at alam ang kanilang mga pinaglalaban.


Dagdag pa nito na pula ang kulay nito dahil nag-aalab sa puso nito ang katatagan ng pinaglalaban na prinsipyo. Hindi binibenta, dahil wala umanong katumbas na halaga ang dangal.


Pula rin umano ang kulay nito dahil ito ay kulay ng pagmamahal sa lungsod na hindi marahas sa mga inosenteng mamamayan.


Naniniwala ang alkalde na kulay pula ang titingkad sa Biyernes dahil alam umano ng lahat na ito ang tunay na mga lider na makikipaglaban para sa kinabukasan ng mga Cotabateno.


End.



1 view
bottom of page