Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Patuloy ang imbestigasyon ng Mamasapano PNP matapos na pinaulanan ng bala ang pamamahay ng Pamilya Matuwa, martes ng madaling araw sa Sitio Pamalian, Brgy. Manungkaling, Mamasapano, Maguindanao.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Mamasapano PNP, sinabi ni Mamasapano PNP Chief Major Maximino Gerodia, pinagbabaril ng mga armadong salarin ang naturang bahay at tinamaan ang mag-asawang biktima na sina Abdulkadir at Zahera Matuwa at ang limang taong anak nito na si Nhala.
Dagdag pa rito, napag-alaman din ng pulisya na nakaligtas at maswerteng hindi tinamaan ng bala ang isang 9 month old na sanggol na natutulog sa duyan.
Narekober sa crime scene ang nasa labing apat na basyo ng bala mula sa M16 rifle.
Sa ngayon nai-turn over na sa kaanak ang mga labi ng pamilya at ang nakaligtas na sanggol.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa kaanak kaugnay sa kanilang imbestigayon at malaman ang anggulo o posibleng dahilan at kung sino ang mga salarin sa krimen.