Kate Dayawan

COTABATO CITY - Matapos ang matagumpay na dry run para sa total closure ng Quirino Bridge kahapon, opisyal nang isasara ng City Government ng Cotabato ang nasabing tulay ngayong araw alinsunod sa Ordinance No. 4990.
Pinapayuhan ang mga lahat ng mga motorista na papasok at palabas ng lungsod na dumaan na muna sa Delta Bridge o di kaya ay sa Delta II Bridge.
Tanging pinahihintulutan na lamang umano sa ngayon sa dumaan sa tulay ay ang mga taong naglalakad lamang.
Paliwanag ng City LGU, ang hakbang na ito ay bilang pag-iingat lamang sa mga posibileng sakuna na maaaring maidulot ng tulay dahil sa mahina na umano ang pundasyon nito at hindi na ligtas para sa mga motorista.
Hinihingi ngayon ng LGU ang pag-unawa at pagsunod ng mga Cotabatenio.