top of page

QUOTA PARA SA MGA APLIKANTE NG NAPOLCOM SQEE, HINDI PA NANGALAHATI

Kate Dayawan

COTABATO CITY - Mula sa 11,000 na quota na inilaan ng NAPOLCOM para sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Islamic Liberation Front members na sasailaim sa Special Qualifying Eligibility Examination nasa mahigit 4,000 pa lamang sa mga ito ang nakakapagpasa ng kanilang

Ayon kay Jun Juanday Jr., na siyang Supervising Commander ng Intelligence Security Services, naaantala umano ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga MNLF at MILF members dahil sa ilang araw na holiday at sa isinagawang eleksyon sa bansa.


Sinimulan ng Bangsamoro Government ang pagtanggap ng mga walk-in applicants noong April 21 at nakatakdang magtapos ngayong araw ng Biyernes, May 13.


Ngunit dahil sa mga hindi pa nangalahati ang quota ang mga natanggap na aplikasyon ay pinalawig NAPOLCOM BARMM ang pagpasa ng aplikasyon hanggang a dise siyete ng Mayo.


Inanunsyo ito ng NAPOLCOM sa kanilang facebook page.


Kahapon, binisita ng iNews Team ang lugar na pinagdadausan ng walk-in filing at processing ng mga aplikasyon at naabutan ng team ang daan-daang mga aplikante mula sa Sulu, Zamboanga del Sur, Lanao del Sur, Cotabato City, Tawi-Tawi, at Maguindanao.


Aming nakapanayam ang dalawa sa kanila at anila ay mahalaga para sa kanila na maging ganap na miyembro ng PNP dahil bukod sa pangarap nila ito ay mas makakatulong rin umano sila sa bayan.


Hindi rin basta-bastang makakapag-apply ng kusa ang mga miyembro ng MILF at MNLF dahil kinakailangan na ang mga ito ay inendorso ng kanilang mga kumander.


Bukod po ito sa general requirements ng pagkuha ng NSQEE..


Nakatakdang isagawa ang Napolcom Special Qualifying Eligibility Examination (NSQEE) para sa MILF at MNLF members sa May 29 dito sa Cotabato City.


Sa lahat ng mga kukuha ng pagsusulit na ito, 5,060 na mga makakapasa dito ang mabibigyan ng eligibility para sa temporary appointment bilang patrolman at patrolwoman ng PNP.


Nagpapasalamat naman ang aplikanteng si Fahad dahil sa prebilihiyong ibinigay sa kanila ng gobyerno na maging ganap na PNP member.

183 views
bottom of page