top of page

RADIO REPORTER, PATAY SA PAMAMARIL SA TACURONG CITY

Kate Dayawan | iNews | January 12, 2022


Courtesy: PRO 12 Public Information Office




Cotabato City, Philippines- Dead-on-the-spot ang mamamahayag sa radyo na si Jaynards Angeles nang pagbabarilin pasado alas diyes ng umaga kahapon, January 12, sa Purok Sampaguita, Barangay New Carmen, Tacurong City, Sultan Kudarat.


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, nagpapaayos lamang umano ng sasakyan ang biktima sa Falle Auto Repair Shop nang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek at saka binaril sa ulo sanhi ng agarang pagkamatay nito.


Agad na tumakas ang mga salarin sakay ng isang Kawasaki Bajaj motorsiklo patungo sa hindi natukoy na direksyon.


Agad namang nagsagawa ng Tacurong City Police Station ng pursuit operation.

Kinondena naman ni PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang pagkakapaslang sa nasabing mamamahayag at nitong ipinag-utos na agad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.


Aniya, gagawin ng PRO12 ang lahat ng kanilang makakaya upang agad na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jaynard Angeles.


Hinikayat naman nito ang publiko na kung mayroong impormasyon patungkol sa insidente ay agad itong ipagbigay-alam sa otoridad upang mapabilis ang pagresolba ng kaso.

12 views
bottom of page