top of page

RANDOM RAPID TESTING SA MGA ESSENTIAL TRAVELERS, SISIMULAN SA ZAMBOANGA CITY

Kristine Carzo | iNews | iMindsPH


Matapos na ipatupad sa lungsod ng Zamboanga ang No RT-PCR Test No SpaSS, No Entry, sisimulan na rin ng local na pamahalaan ng Zamboanga ang random rapid antigen test for covid 19 sa mga byaherong pamapasok ng Zamboanga City.


Sa ilalim ng direktiba ng LGU Zamboanga, kabilang sa mga isasailalim sa antigen test ang mga Essential Travelers na hindi maaring itigil ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.


Ang antigen teasting ay isasagawa sa lahat ng entrance point ng Zamboanga kabilang na rito ang Licomo, Limpapa, Airport at Seaport.


Ito ay bilang parte pa rin ng hakbang ng loKAL na pamahalaan ng Zamboanga upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 at pagpasok ng delta Variant ng Covid-19.


As of August 9, 2021 ay mayroon ng 12,231 na kabuuhang kaso ng Covid-19 sa Zamboanga City, 112 ang nananatiling aktibo, 11,513 ang recoveries at 606 naman ang nasawi.



Photo by: City Government of Zambonga

2 views
bottom of page