top of page

RANK 9 MOST WANTED


Photo Courtesy: Police Regional Office 12 - Public Information Office

1 PATAY, 3 ARESTADO SA SURALLAH, SOUTH COTABATO MATAPOS MAUWI SA PALITAN NG PUTOK ANG PAGSISILBI NG WARRANT OF ARREST LABAN SA RANK 9 MOST WANTED SA REGION 12


Surallah, South Cotabato - Patay ang rank 9 Most Wanted ng rehiyon dose matapos mauwi sa palitan ng putok ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa Surallah, South Cotabato. Arestado naman ang tatlong iba pa dahil sa illegal possession of firearms.


Ikinasa ng mga tauhan ng Surallah Municipal Police Station ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa isang Donie Bansil Mapin alyas Maufong, a otso ng Mayo sa Purok Quirino, Barangay Talahik, Surallah South Cotabato.


Nahaharap sa kasong murder si Maufong at rank 9 Most Wanted sa buong rehiyon dose, rank 2 sa provincial level at rank 1 sa municipal level.


Ayon sa PNP 12, namataan ang target sa lugar kasama ang tatlong iba pa. Habang papalapit umano ang operating team sa kinaroronan ng target ng paputukan nito ang otoridad kaya napilitan umano na gumanti ng putok ang operating team.


Sugatan si Maufong at agad isinugod sa pagamutan pero dineklara itong dead on arrival ng attending physician.


Narekober sa mula sa posesyon nito ang isang hand grenade, isang 12 gauge homemade pistol na mayroong isang bala, tatlong piraso ng bala mula sa12 gauge shotgun, isang basyo ng 12 gauge shotgun, labing anim na piraso bala ng caliber .9 mm at anim na piraso ng bala ng 5.56 caliber.


Inaresto rin ng otoridad ang tatlo pang lalaki matapos makuha sa posesyon ng mga ito ang dalawang homemade 12 gauge long firearm at isang improvised rifle.



4 views0 comments