top of page

Region 12, nagtala ng 61 new cases ng Covid-19 ; 15 new cases ng Covid-19 naman ang naitala sa BARMM

Joy Fernandez | iNews | November 3, 2021


Cotabato City, Philippines -

Nakapagtala ng 61 na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of November 2, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 55, 698 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 1, 446 rito ang nananatiling aktibo, 52, 178 ang gumaling at 2,062 naman ang bilang ng mga nasawi.


Sa BARMM nakapag tala ito ng 15 new cases ng Covid-19 as of October 31, 2021. 11 sa Maguindanao, 2 sa Lanao Del Sur at Marawi City, habang 2 rin sa Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 14, 986 ang nagpositibo sa sakit. 513 rito ang aktibong kaso, 13, 882 ang gumaling at 591 naman ang nasawi.


Sa Iligan city, nakapagtala ito ng 2 new cases ng Covid-19 as of November 2, 2021.


Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 4, 982 ang kabuuhang kaso ng Covid-19 sa lungsod. 37 rito ang aktibong kaso, 4,519 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 426 naman ang bilang ng mga nasawi.


Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ito ng 3 new cases ng Covid-19 as of November 1, 2021.


Sa Cagayan de oro City umaabot na sa 20, 188 ang kabuuhang kaso ng Covid-19. 534 rito ang aktibong kaso, 18,187 ang recoveries, habang 837 naman ang covid-relate deaths.


Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 60 na panibagong kaso ng Covid-19 as of November 1, 2021.


Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 21, 030 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad ng Zamboanga. 2, 252 ang aktibong kaso, 17, 825 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 953 naman ang pumanaw mula sa sakit.


Habang nakapag tala naman ng 67 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of November 2, 2021.


Sa kabuuhan ay umaabot na 102, 786 ang kaso ng covid-19 sa Davao region, 5,581 ang nananatiling aktibo, 93, 787 ang gumaling at 3, 418 naman ang pumanaw mula sa sakit.




0 views
bottom of page