top of page

Region 12, nakapagtala ng 109 new cases ng Covid-19; 36 naman sa BARMM

Joy Fernandez | iNEWS | October 27, 2021


Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng isangdaan at siyam na kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of October 26, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 55, 244 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 2, 204 rito ang nananatiling aktibo, 51, 011 ang gumaling at 2, 018 naman ang bilang ng mga nasawi.


Sa BARMM nakapag tala ito ng 36 new cases ng Covid-19 as of October 26, 2021. 4 sa Maguindanao, 12 sa Lanao Del Sur at Marawi City, habang labing dalawa rin sa Basilan at Lamitan City, 5 sa Sulu at 3 naman sa Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 14, 784 ang nagpositibo sa sakit. 882 rito ang aktibong kaso, 13, 356 ang gumaling at 582 naman ang nasawi.


Sa Iligan City, nakapagtala ito ng 2 new caseS ng Covid-19 as of October 26, 2021.


Sa kabuuhan ay umaabot na sa 4, 951 ang kaso ng Covid-19 sa Iligan City, 45 ang aktibong kaso, 4484 ang recoveries at 422 naman ang covid-related deaths.


Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ito ng 6 new cases ng Covid-19 as of October 25, 2021.


Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 20, 101 ang kabuuhang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 667 ang aktibong kaso, 18, 598 ang recoveries at 836 naman ang bilang ng mga nasawi.


Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 140 na panibagong kaso ng Covid-19 as of October 25, 2021.


Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 20, 285 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 2, 434 ang aktibong kaso, 16, 952 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 899 naman ang pumanaw mula sa sakit.


Habang nakapag tala naman ng 79 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of October 26, 2021.


Sa kabuuhan ay umaabot na 101, 875 ang kaso ng covid-19 sa Davao region, 8, 303 ang nananatiling aktibo, 90, 269 ang gumaling at 3, 303 naman ang pumanaw mula sa sakit.




0 views
bottom of page