Joy Fernandez | iNEWS | October 8, 2021
Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng dalawang daan at siyamnaput walo na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of October 7, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 52, 719 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 3, 667 rito ang nananatiling aktibo, 47, 269 ang gumaling at 1,774 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa BARMM nakapag tala ito ng 90 new cases ng Covid-19, 7 ay mula sa Maguindanao, 33 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 8 sa Basilan at Lamitan City at 42 naman sa Cotabato City.
Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 13, 534 ang nagpositibo sa sakit. 1, 079 rito ang aktibong kaso, 11, 911 ang gumaling at 544 naman ang nasawi.
Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 23 new cases ng Covid-19 as of October 6, 2021.
Sa kabuuhan umaabot na sa 19, 718 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 1,675 ang aktibong kaso, 17, 214 ang gumaling at 829 naman ang mga nasawi.
Sa Iligan City, nakapagtala ito ng 32 new cases ng Covid-19 as of October 7, 2021.
Sa buong siyudad ng Iligan umaabot na sa 4, 811 ang kabuuhang kaso ng Covid-19. 181 ang aktibong kaso, 4,237 ang recoveries at 393 naman ang naitalang pumanaw mula sa sakit.
Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 131 na panibagong kaso ng Covid-19 as of October 6, 2021.
Tinatayang umaabot na sa 16, 788 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 2,246 ang aktibong kaso, 13, 781 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 761 naman ang pumanaw mula sa sakit.
Habang nakapag tala naman ng 535 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of October 7, 2021.
Sa kabuuhan ay umaabot na 97, 066 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 18, 582 ang nananatiling aktibo, 76, 267 ang gumaling at 3, 051 naman ang pumanaw mula sa sakit.
