top of page

Region 12, nakapagtala ng 127 new cases ng Covid-19; 56 naman sa BARMM

Joy Fernandez | iNEWS | October


Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng isangdaan at dalawamput pito na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of October 18, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 54, 467 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 2, 935 rito ang nananatiling aktibo, 49, 608 ang gumaling at 1,915 naman ang bilang ng mga nasawi.


Sa BARMM nakapag tala ito ng 56 new cases ng Covid-19 as of October 18, 2021. 7 ay mula sa Maguindanao, 32 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 13 sa Basilan at Lamitan City habang 4 naman Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 14, 284 ang nagpositibo sa sakit. 837 rito ang aktibong kaso, 12, 880 ang gumaling at 567 naman ang nasawi.



Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 10 new cases ng Covid-19 as of October 17, 2021.


Sa kabuuhan umaabot na sa 19,971 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 1, 021 ang aktibong kaso, 18, 114 ang gumaling at 836 naman ang mga nasawi.



Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 278 na panibagong kaso ng Covid-19 as of October 17, 2021.


Tinatayang umaabot na sa 19, 032 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 2, 858 ang aktibong kaso, 15, 369 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 805 naman ang pumanaw mula sa sakit.



Habang nakapag tala naman ng 89 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of October 18, 2021.


Sa kabuuhan ay umaabot na 100, 337 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 11, 529 ang nananatiling aktibo, 85, 619 ang gumaling at 3, 189 naman ang pumanaw mula sa sakit.




0 views0 comments