Joy Fernandez | iNEWS | October 12, 2021
Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng dalawang daan at dalawamput lima na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of October 11, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 53, 463 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 3, 359 rito ang nananatiling aktibo, 48, 263 ang gumaling at 1,832 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa BARMM nakapag tala ito ng 70 new cases ng Covid-19, 24 rito ay mula sa Maguindanao, 38 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 3 sa Basilan at Lamitan City at 5 sa Sulu.
Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 13, 829 ang nagpositibo sa sakit. 1, 122 rito ang aktibong kaso, 12, 154 ang gumaling at 553 naman ang nasawi.
Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 18 new cases ng Covid-19 as of October 10, 2021.
Sa kabuuhan umaabot na sa 19, 830 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 1,548 ang aktibong kaso, 17, 449 ang gumaling at 833 naman ang mga nasawi.
Sa Iligan City, nakapagtala ito ng 3 new cases ng Covid-19 as of October 8, 2021.
Sa buong siyudad ng Iligan umaabot na sa 4, 814 ang kabuuhang kaso ng Covid-19. 170 ang aktibong kaso, 4,247 ang recoveries at 397 naman ang naitalang pumanaw mula sa sakit.
Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 190 na panibagong kaso ng Covid-19 as of October 10, 2021.
Tinatayang umaabot na sa 17, 633 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 2,518 ang aktibong kaso, 14, 340 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 775 naman ang pumanaw mula sa sakit.
