top of page

Region 12, nakapagtala ng 232 na panibagong kaso ng Covid-19

Joy Fernandez | iNEWS | September 24, 2021


Cotabato Ciuty, Philippines - Pumalo sa dalawang daan at tatlumput dalawa ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 sa rehiyon dose as of September 23, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 48, 333 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 6,392 rito ang nananatiling aktibo, 40, 386 ang gumaling at 1, 547 ang bilang ng mga nasawi.


Sa BARMM nakapag tala ito ng 124 new cases ng Covid-19, 25 rito ay mula sa Maguindanao, 38 sa Lanao Del Sur at Marawi City at 61 sa Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 12, 483 ang nagpositibo sa sakit. 1, 182 rito ang aktibong kaso, 10, 817 ang gumaling at 484 naman ang nasawi.


Samantala sa Iligan City, nakapagtala ito ng 16 new cases ng Covid-19 as of September 23, 2021.


Sa kabuuhan umaabot na sa 4,543 ang kaso ng Covid-19 sa Iligan City. 410 ang aktibong kaso, 3,775 ang gumaling at 358 naman ang nasawi.


Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 65 new cases ng Covid-19 as of September 22, 2021.


Sa kabuuhan umaabot na sa 19,193 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 3, 721 ang aktibong kaso, 14,652 ang gumaling at 820 naman ang mga nasawi.



Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 147 na panibagong kaso ng Covid-19 as of September 22, 2021.


Tinatayang umaabot na sa 14, 424 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 1, 190 ang aktibong kaso, 12, 559 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 675 naman ang pumanaw mula sa sakit.




0 views
bottom of page