top of page

Region 12, nakapagtala ng 289 new cases ng Covid-19; 86 naman sa BARMM

Joy Fernandez | iNEWS | October 1, 2021


Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng dalawang daan at walumput siyam na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of September 30, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 50, 627 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 5,156 rito ang nananatiling aktibo, 43, 813 ang gumaling at 1,650 naman ang bilang ng mga nasawi.


Sa BARMM nakapag tala ito ng 86 new cases ng Covid-19, 30 rito ay mula sa Maguindanao, 5 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 2 sa Basilan at 49 sa Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 13,029 ang nagpositibo sa sakit. 1,298 rito ang aktibong kaso, 11, 212 ang gumaling at 516 naman ang nasawi.


Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 47 new cases ng Covid-19 as of September 29, 2021.


Sa kabuuhan umaabot na sa 19,499 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 2,992 ang aktibong kaso, 15,680 ang gumaling at 827 naman ang mga nasawi.


Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 152 na panibagong kaso ng Covid-19 as of September 29, 2021.


Tinatayang umaabot na sa 15, 531 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 1,819 ang aktibong kaso, 12, 996 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 716 naman ang pumanaw mula sa sakit.




6 views
bottom of page