top of page

Region 12, nakapagtala ng 364 new cases ng Covid-19, 95 naman sa BARMM

Joy Fernandez | iNEWS | October 7, 2021


Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng tatlong daan at animnaput apat na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of October 6, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 52, 422 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 3, 943 rito ang nananatiling aktibo, 46, 715 ang gumaling at 1,755 naman ang bilang ng mga nasawi.



Sa BARMM nakapag tala ito ng 95 new cases ng Covid-19, 30 rito ay mula sa Maguindanao, 34 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 1 sa Basilan at Lamitan City, 5 sa Sulu at 25 naman sa Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 13, 444 ang nagpositibo sa sakit. 1, 324 rito ang aktibong kaso, 11, 579 ang gumaling at 541 naman ang nasawi.



Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 33 new cases ng Covid-19 as of October 5, 2021.


Sa kabuuhan umaabot na sa 19, 695 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 1, 870 ang aktibong kaso, 16, 997 ang gumaling at 828 naman ang mga nasawi.


Sa Iligan City, nakapagtala ito ng 8 new cases ng Covid-19 as of October 6, 2021.


Sa buong siyudad ng Iligan umaabot na sa 4, 780 ang kabuuhang kaso ng Covid-19. 201 ang aktibong kaso, 4193 ang recoveries at 386 naman ang naitalang pumanaw mula sa sakit.


Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 187 na panibagong kaso ng Covid-19 as of October 5, 2021.


Tinatayang umaabot na sa 16, 657 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 2, 199 ang aktibong kaso, 13, 706 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 752 naman ang pumanaw mula sa sakit.


Habang nakapag tala naman ng 526 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of October 6, 2021.


Sa kabuuhan ay umaabot na sa 96, 537 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 18, 582 ang nananatiling aktibo, 74, 930 ang gumaling at 3, 025 naman ang pumanaw mula sa sakit.




0 views0 comments