top of page

Region XII, nakapagtala ng 177 na panibagong kaso ng covid-19; 81 naman sa BARMM


Joy Fernandez | iNews | October 15, 2021




Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng isang daan at pitumput pito na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of October 14, 2021.


Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 53, 981 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 3, 141 rito ang nananatiling aktibo, 48, 937 ang gumaling at 1,894 naman ang bilang ng mga nasawi.


Sa BARMM nakapag tala ito ng 81 new cases ng Covid-19 as of October 14, 2021. 5 ay mula sa Maguindanao, 35 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 12 sa Basilan at Lamitan City habang 29 naman Cotabato City.


Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 14, 079 ang nagpositibo sa sakit. 909 rito ang aktibong kaso, 12, 609 ang gumaling at 561 naman ang nasawi.


Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 29 new cases ng Covid-19 as of October 13, 2021.


Sa kabuuhan umaabot na sa 19,885 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 1, 134 ang aktibong kaso, 17, 915 ang gumaling at 836 naman ang mga nasawi.


Sa Iligan City, nakapagtala ito ng 9 new cases ng Covid-19 as of October 14, 2021.


Sa buong siyudad ng Iligan umaabot na sa 4, 868 ang kabuuhang kaso ng Covid-19, 111 ang aktibong kaso, 4,347 ang recoveries at 410 naman ang naitalang pumanaw mula sa sakit.


Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 183 na panibagong kaso ng Covid-19 as of October 13, 2021.


Tinatayang umaabot na sa 18, 182 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 2, 670 ang aktibong kaso, 14, 726 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 786 naman ang pumanaw mula sa sakit.


Habang nakapag tala naman ng 382 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of October 14, 2021.


Sa kabuuhan ay umaabot na 99, 451 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 15, 106 ang nananatiling aktibo, 82, 217 ang gumaling at 3, 128 naman ang pumanaw mula sa sakit.




0 views
bottom of page