Region XII, nakapagtala ng 200 new cases ng Covid-19, 89 naman sa BARMM
Joy Fernandez | iNEWS | October 6, 2021
Cotabato City, Philippines - Nakapagtala ng dalawang daan na panibagong kaso ng Covid-19 ang rehiyon dose as of October 5, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 52, 059 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 4, 327 rito ang nananatiling aktibo, 45, 997 ang gumaling at 1,726 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa BARMM nakapag tala ito ng 89 new cases ng Covid-19, 30 rito ay mula sa Maguindanao, 38 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 6 sa Basilan at Lamitan City at 15 naman sa Cotabato City.
Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 13, 349 ang nagpositibo sa sakit. 1, 355 rito ang aktibong kaso, 11, 458 ang gumaling at 536 naman ang nasawi.
Sa Cagayan de Oro City, nakapagtala ang lungsod ng 17 new cases ng Covid-19 as of October 4, 2021.
Sa kabuuhan umaabot na sa 19, 662 ang kaso ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City. 2,028 ang aktibong kaso, 16, 806 ang gumaling at 828 naman ang mga nasawi.
Sa Iligan City, nakapagtala ito ng 16 new cases ng Covid-19 as of October 5, 2021.
Sa buong siyudad ng Iligan umaabot na sa 4, 772 ang kabuuhang kaso ng Covid-19. 211 ang aktibong kaso, 4182 ang recoveries at 379 naman ang naitalang pumanaw mula sa sakit.
Sa Zamboanga city, nakapagtala ang lungsod ng 170 na panibagong kaso ng Covid-19 as of October 4, 2021.
Tinatayang umaabot na sa 16, 300 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad. 2,151 ang aktibong kaso, 13, 579 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 740 naman ang pumanaw mula sa sakit.
Habang nakapag tala naman ng 349 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of October 5, 2021.
Sa kabuuhan ay umaabot na 96, 019 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 19, 116 ang nananatiling aktibo, 73, 897 ang gumaling at 3, 006 naman ang pumanaw mula sa sakit.
