REGIONAL ANTI-TRAFFICKING TASK FORCE

MOTC BARMM, INILUNSAD ANG REGIONAL ANTI-TRAFFICKING TASK FORCE UPANG SUGPUIN ANG MGA KASO NG TRAFFICKING IN PERSONS SA REHIYON
Bangsamoro Autonomous Region - Inilunsad ng Ministry of Transportation and Communications BARMM ang Regional-Anti Trafficking Task Force (RATIF) upang sugpuin ang mga kaso ng trafficking in persons sa rehiyon.
Pinangunahan ni Minister Paisalin Tago ng MOTC BARMM ang tatlong araw na paglulunsad ng Regional-Anti Trafficking Task Force o RATIF.
Ang launching ay pinangasiwaan ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT sa pamamagitan ng prosecutor at Regional Task Force Head Ronaira Lao para sa Region 14 at BARMM.
Layon nito na magkaroon ng mahigpit na koordinasyon, monitoring at mapalakas ang ugnayan ng mga inter-agency at partners sa rehiyon para matiyak ang mas epektibo at mahusay na kampanya laban sa paglipana ng mg akaso ng trafficking in persons sa AOR.