RENEWED CONTRACTS

KONTRATA NG 445 ISAL TEACHERS 𝐀𝐬𝐚𝐚𝐭𝐢𝐝𝐳 sa 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢 𝐒𝐃𝐎, NI-RENEW NG MBHTE NG HANGGANG ANIM NA BUWAN
Bangsamoro Autonomous Region - Ni renew ng 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 ang kontrata ng 𝟒𝟒𝟓 𝐈𝐒𝐀𝐋 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬-𝐀𝐬𝐚𝐚𝐭𝐢𝐝𝐳 sa 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢 𝐒𝐃𝐎 nang hanggang anim na buwan.
Tuloy na magtuturo ang 445 Islamic Studies and Arabic Language (ISAL) Teachers-Asaatidz sa Tawi-Tawi Schools Division Office (SDO) matapos irenew ng MBHTE ang kontrata ng mga ito sa susunod na anim na buwan. Isinagawa ito noong katorse ng Mayo.
A dies ng Mayo naman nang isagawa ang renewal ng kontrata ng 659 ISAL Teachers-Asaatidz ng Sulu SDO.