Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 23, 2022

Photo courtesy : Babai A. Kasaligan
Cotabato City, Philippines - Walang humpay sa paghahatid ng serbisyo ang Provincial Government ng Maguindanao sa mga mamamayan nito.
Kahapon, daan-daang residente ng Barangay Barurao, Sultan sa Barongis ang nakabenepisyo sa inihandog na medical mission at outreach program ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Kaagapay nito ang Tiyakap Dedikasyon Lakas Serbisyo ni Vice Governor Datu Lester Sinsuat at Bai Ainee Sinsuat.
Libreng nakapagpa-checkup ang mga residente ng nasabing lugar, marami rin ang nabigyan ng libreng gamot, tsinelas, wheelchair at feeding program.
Samantala, hindi lamang sa pangkalusugan nakapokus ang atensyon ni Governor Bai Mariam dahil patuloy rin ngayon ang mga pagpapatupad nito ng kanyang mga programa sa ibang bayan ng lalawigan.

Photo courtesy : Babai A. Kasaligan
Isa na rito ang pagsisiguro na may sapat na liwanag ang lahat ng barangay sa Maguindanao.
Kaya naman, tuloy-tuloy ang pag install nito ng solar street lights.
Pinakahuli dito ay ang 20 solar street lights na naitayo sa Barangay Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.
Pangako nito sa Maguindanao na sama-sama ang lahat tungo sa maunlad at mapayapang probinsya.
End.