Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Magandang balita para sa Maritime Student na si Kenneth Lorenton ang resolusyon na naglalayong ibalik ang operasyon ng Department of Foreign Affairs consular office sa Cotabato City. Graduating na kasi ito at isa sa mga requirements sa pagiging seaman ang pasaporte kaya mahirap para sa kaniya.
Sa linggohang sesyon ng Sangguniang Panlungsod, naghain ng resolusyon si Cotabato City Councilor Marouf Ayunan Pasawiran na humihiling na muling ibalik ang operasyon ng tanggapan ng Department of Foreign Affairs consular office sa Cotabato City.
Suportado ni Cotabato City Vice Mayor Butch Abu na kailangan din talaga ng lungsod ang DFA at sinisikap ng lokal na pamahalaan na maibalik ito upang hindi na kailangan pang pumunta sa General Santos City o Davao City ang mga mamamayan mula pa Cotabato City at karatig bayan para kumuha ng passport.