Kate Dayawan | iNEWSPHILIPPINES

Sa ika-anim na regular session ng 17th Sangguniang Panglungsod na pinangungunahan ni Vice Mayor Johari Abu kahapon, August 9, isa sa mga salient points ng sesyon ay ang pag-apruba nito sa isang resolusyon na ipinanukala ni Councilor Abrulkarkm Usman kasama sina Councilor Marouf Pasawiran, Hunyn Abu, Henjie Ali, Florante Formento, Guiadzuri Midtimbang II at Kusin Taha.
Ang resolusyon na ito ay pinamagatang "A Resolution Commending the Philippine Drug Enforcement Agency BARMM Specifically Regional Director Daculla and Maguindanao Provincial Official IA Asnawi Salik on its Recent Successful Drug Operations in the City of Cotabato."
Nabuo ang resolusyon na ito dahil sa sunod-sunod na matagumpay na operasyon ng PDEA-BARMM sa lungsod kung saan nakumpiska nito ang ilang gramo ng shabu at iba pang drug paraphernalia.
Bukod dito, napag-usapan rin sa sesyon ang reklamo laban sa ilang barangay official. Ito ay patungkol sa performance ng mga ito sa kanilang trabaho.
Ang nasabing usapin ay ipinaubaya na sa Blue Ribbon Committee at napagkasunduan ng august body na gumawa ng isang special committee of the whole para sa purpose nito.