Kate Dayawan

SOUTH COTABATO — Prinoklama na ng provincial canvassers bilang nanalong gobernador ng probinsya ng South Cotabato si re-electionist, Governor Reynaldo Tamayo Jr at ang nanalong bise gobernador ng lalawigan, former governor dodo pinggoy.
Nakakuha si Tamayo ng 253,944 na boto habang 229,628 naman ang nakuha ng incumbent 1st district congressman ng probinsya, Ferdinand Hernandez.
Ang nanalong bise gobernador ay nakakuha ng 253,780 habang 173,157 naman ang nakuha ng incumbent vice governor Vicente De Jesus.
Si Tamayo ay ang pangulo ng Partido Federal ng Pilipinas.
Sa probinsya ng South Cotabato, nakakuha si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng 476,549 na boto habang 564,547 naman ang nakuha ni Sara Duterte.